Tuesday, September 9, 2008

Peborit kong Bob Ong's quotable quotes (^__^)

"hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"


"mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"



"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. FACT you!"



“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “



“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”



“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”


Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na rin saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao pwedeng mag-adjust. Pero ang bagay at panahon, HINDI.



"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."



"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
Eto ang the best....


" Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! "


No comments: