Friday, September 12, 2008

Wrong Mistakes

Gusto ko lang i-share ang mga funny moments kung saan naka-encounter ako ng mga kakaibang sagot sa mga ordinaryong tanong. Isasali ko na rin ang mga kakaibang statement na galing sa mga ordinaryong tao sa mga ordinaryong sitwasyon.

Scene #: 1: Nasa isang tindahan ako, bibili sana ng sanitary pad.

Ako: Ate, meron po ba kayong modess?

Ale: Ah modess? Meron po. Ilan?

Ako: Dalawa po.

(Habang nagkakalkal ng napkin ang ale sa lalagyan… biglang…)

Ale: Ai, ano palang klase ng modess?

Ako: Hmmm...
(nag-isip ata ako bigla, baka tinatanong nya kung maxi pad or pantiliner or kung may wings or wala..)

Ako: Ano po bang meron?

Ale: Meron kasi ditong whisper….

Ako: Nyek! Hahaha… (Deep inside nga lang yung reaksyon ko…) LOL!

Scene # 2: Kwento ito ng pinsan ko. Nasa tindahan daw sila kasama yung isa niyang friend.

Friend: Ale, pabili po. Meron po ba kayong pop cola?

Ale sa tindahan: Ay wala kaming soft drinks.

Friend: Ah ganun po ba, o cge po, Coke na lang!!!

Pinsan1: Nyek!!! (Sabay tawa daw ng malakas...)

Scene #: 3: Kwento ng isa ko pang pinsan. Close kami eh, dami siyang kwento. (^__^)

Kasama daw niya ang isang friend na kumain sa isang bagong resto. May lumapit na waiter. Binigyan sila ng Menu. Itong si friend, may gustong itanong about dun sa isang food sa menu. Since parang medyo classy ang resto, nagtangkang maging sosyal itong si friend atb biglang:

Friend: Ah waiter, I am just conscious about this one…

Pinsan2: (Deep inside daw… Hahahaha!!!!)

Comment: Imbes na “curious” and sabihin, conscious ang nasabi… Hehe… Sabay, meron naman siyang malay... Conscious nga...

Scene # 4: Again, kwento ng pinsan ko. Kasama pa rin ang kanyang friend na pa-sosyal.

Closing party daw nila. Kasama ang buong Barkada at mga ibang klasmeyts. Ang saya ng party. Naisip na mag-picture taking. Since marami sila, sumabat na naman itong si pasosyal na friend.

Friend: O guys, picture taking time! Come on, guys!!! Let’s compact!!!

Comment: LOL!!! Let’s compact daw… I think ang nais niyang gamitin na word eh, "compress"…
Hahaha! Ewan ko, nabangag ako sa kwento ng pinsan ko…


No comments: