Tuesday, September 23, 2008

Thanks Please Sorry.

Wala lang mapag-tripan. Since nagkaroon ng FARTY sa office nung last sat, may mga pinamigay na collect call cards para sa mga Koreans. Di ko sure ang concept nung card. Hehe..

Since COLLECT CALL CARD sya, heto ang conclusion ko kung bakit, Thanks Please Sorry ang nakalagay.

Thanks. Pagkareceive ng collect call, syempre dapat magpa-THANK YOU ka di ba.

Please. Sasabihin mo kung ano ang paki-usap mo sa tinawagan mo or kung ano mang favor ang hihingin mo.

Sorry. Pagkatapos ng usapan ninyo, hihingi ka ng paumanhin para sa abala at sa collect call na ginawa mo.

LOL!!! Yun na ang pinaka-malapit na paliwanag na naisip ko kung bakit ganun ang nakalagay. May point naman ako ah.. hAha...!

Wednesday, September 17, 2008

Kubo Rules!!!

Bawal ang lumabag sa mga patakaran.
Basahin ng mabuti at isa-puso ang bawat nakatakdang rules. LOL!


Ganda ng mga nakaset na rules. Klarong-klaro noh?
Di na kailangang magtanong pa.. LOL!!!


Source: Forwarded email lang ng isa kong friend from work.

Tuesday, September 16, 2008

Pinoy Gay Lingo Daw (^__^)

Wala lang, naaliw lang ako sa mga terms na gamit ng mga kapatid na masiyahin...
Very educational infernez... Hehe...

Heto yung ilang sa mga terms na commonly used (i think):
windang/lurkey = Lito/Gulo
utaw - tao
boylet- papa
eklabu/echos/eching - kunwari/joke/di totoo
thunderbird/damatands/jutanda - old
Ms. Portugal/48years/anung petsa nah - bagal/super tagal
estrogenic - big boobs
purita mirasol - poor
ricaparalejo- rich
detey- dito
tomjones- gutom
fargenic- gwapo/maganda kapag malayo
talikodgenic- gwapo/maganda if nakatalikod
keme- carry lang, kaya to
badaff- bading
jowadik- adik sajowa
keber - pakealam
luz valdez - matalo, talo
goldilocks - go for the gold, panalo
Chenie Lin/Chenelyn - multi purpose word with many meanings depending on context
eg. "Shofatid, ashumera and ex mo andisplok megatrophy jowa mo raw siya
Chenie Lin"

Cynthia - "who is he/she?
Darna - shabu high ("Ding, ang bato!")
gardenia, jaguar - security guard
hipon, hiponessa - guy with a good body but an ugly face

Eto pa, mga showbiz ek-ek naman:

From: rathkescleft
These are the Gay Lingo words I got from my friend's ex bf, Louie Cano's book, Baklese: Pinop Pop Queer Dictionary:

Alma Moreno - hemorrhoid (hango sa salitang almoranas, malapit di ba?)

Anita Linda - old lady, old gay (si Anita Linda ay isang aktres na mashonda na, sa mga pelikulang napanuod ko lagi siyang lola nina Maricel Soriano, o Manilyn Reynes o ng kung sinu-sino pang regal baby)

Anjanette - coming (andiyan na!)

Armida Siguion Reyna - military (hindi ko madecipher eh, dahil ba matapang siya?)

Caridad Sanchez - oldster (dahil siya ay thunders na?)

Carmi Martin - karma (dahil ang karma ay malapit sa name na carmi)

Chaka, Chaka Khan - ugly (pero hindi chaka si Chaka Khan for me)

Cindy Kurleto - ask for a light (pasindi nga diyan)

Ella Fitzgerald/Mae Saison - horny (from the word ma-L or ma-elya)

Emma Thompson - emote (dahil siya ay best actress at magaling mag-emote!)

Jobelle Salvador - flabby sides like breasts (dyoga sa bilbil) {grabe, gulong ako dito!)

Julie Andrews/Vega/Yap Daza - caught red handed (juli ka!)

Katrina Kahalili - mistress

Lilet - young gay (dahil ang mga bata ay tinatawag nating bulilit)

Lucita Soriano - sorry loser (lost na, sorry pa)

Lucresia Kasilag - crazy (malapit sa salitang loka)

Luz Valdez - lost (talunan o nawala/ naligaw)

Lydia de Vega - run! (asia's sprint queen!)

Oprah Winfrey - promise (o prahmis ha!)

Purita Alonzo/Cabauatan - poor

Rita Gomez/Magdalena - irate (ay irita ang byuti ko!)

Soxie Topacio - taxi (hahaha!)

Sushmita Sen - "ohmigod!"

Winona Ryder/ Winnie Santos/Monsod - winner

Zsa Zsa Padilla - "okay fine!" (o zsa, zsa!)

Source: Source: http://www.cosmomagazine.com.ph/board/index.php?topic=5587.0

Friday, September 12, 2008

Wrong Mistakes

Gusto ko lang i-share ang mga funny moments kung saan naka-encounter ako ng mga kakaibang sagot sa mga ordinaryong tanong. Isasali ko na rin ang mga kakaibang statement na galing sa mga ordinaryong tao sa mga ordinaryong sitwasyon.

Scene #: 1: Nasa isang tindahan ako, bibili sana ng sanitary pad.

Ako: Ate, meron po ba kayong modess?

Ale: Ah modess? Meron po. Ilan?

Ako: Dalawa po.

(Habang nagkakalkal ng napkin ang ale sa lalagyan… biglang…)

Ale: Ai, ano palang klase ng modess?

Ako: Hmmm...
(nag-isip ata ako bigla, baka tinatanong nya kung maxi pad or pantiliner or kung may wings or wala..)

Ako: Ano po bang meron?

Ale: Meron kasi ditong whisper….

Ako: Nyek! Hahaha… (Deep inside nga lang yung reaksyon ko…) LOL!

Scene # 2: Kwento ito ng pinsan ko. Nasa tindahan daw sila kasama yung isa niyang friend.

Friend: Ale, pabili po. Meron po ba kayong pop cola?

Ale sa tindahan: Ay wala kaming soft drinks.

Friend: Ah ganun po ba, o cge po, Coke na lang!!!

Pinsan1: Nyek!!! (Sabay tawa daw ng malakas...)

Scene #: 3: Kwento ng isa ko pang pinsan. Close kami eh, dami siyang kwento. (^__^)

Kasama daw niya ang isang friend na kumain sa isang bagong resto. May lumapit na waiter. Binigyan sila ng Menu. Itong si friend, may gustong itanong about dun sa isang food sa menu. Since parang medyo classy ang resto, nagtangkang maging sosyal itong si friend atb biglang:

Friend: Ah waiter, I am just conscious about this one…

Pinsan2: (Deep inside daw… Hahahaha!!!!)

Comment: Imbes na “curious” and sabihin, conscious ang nasabi… Hehe… Sabay, meron naman siyang malay... Conscious nga...

Scene # 4: Again, kwento ng pinsan ko. Kasama pa rin ang kanyang friend na pa-sosyal.

Closing party daw nila. Kasama ang buong Barkada at mga ibang klasmeyts. Ang saya ng party. Naisip na mag-picture taking. Since marami sila, sumabat na naman itong si pasosyal na friend.

Friend: O guys, picture taking time! Come on, guys!!! Let’s compact!!!

Comment: LOL!!! Let’s compact daw… I think ang nais niyang gamitin na word eh, "compress"…
Hahaha! Ewan ko, nabangag ako sa kwento ng pinsan ko…


Thursday, September 11, 2008

Dod's Acronyms

Since na-inspired ako kay green pinoy sa mga acronyms nya sa kanyang blog, gusto ko rin i-share yung mga acronyms na meron kami ng mga dod-mates ko sa office...

Heto ang ilan sa mga ginagamit namin sa chat, text at usapan tuwing lunch break: (^__^)

MAPU -- stands for... Mahina Ang Pick Up.
Hindi ko sure kung saan ko ba narinig ito or nakuha. Basta nagstart ito sa MPU lang (Mahina Pick Up). Kasi yung isa kung pinsan ang hirap paliwanagan. Tinawag kong MAPU. Mahaba-habang paliwag bago ma-gets yung sinasabi ko. Hayz. (^__^)

MAFI -- means MAFEELING.
Sa natatandaan ko, originally kay Dod makoi ko ito narinig. Para ito sa mga taong feeling: gwapo, maganda, matalino, mabait, masama... etc! Applicable ito sa lahat, basta ma-feeling sya...

C.U.T. -- stands for C U Tomorrow.
Clear naman cguro ang pagkakasabi noh? Alam nyo na ang meaning nyan. Hehe…

D.M.D. -- Drama Mo, Dude.
Para sa mga ka-dods naming magsasa EMO. Madrama, nagpapaawa minsan. Haha… Hindi naman siya dapat offensive, wag ka lang sobrang sensitive, ma-oofend ka lang... Hehe.

G.B.U. -- God Bless U.
Nagstart sa isang text na nagsasabi ng gud nyt at may kasamang GBU, di gets ng lahat. Na-curious. Yung lang pala ang meaning. Mga MAPU noh? Haha.

F.Y. (Known as "Pak-U" -- you know what we mean.... LOL)
Hindi nga lang direct ang pagkakasabi.. pero yun na yun... Kaantabay nito ang isa pang word... MF (Mother F****R) Gets nyo na rin yun. Yung MF nga may character na tao sa totoong buhay... Haha.. Nges hu na lang...


So far, ito yung mga acronyms na natatandaan ko. Next time, blind items naman noh? Haha. (^__^)

Tuesday, September 9, 2008

Peborit kong Bob Ong's quotable quotes (^__^)

"hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"


"mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"



"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. FACT you!"



“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “



“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”



“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”


Ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na rin saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. Ang tao pwedeng mag-adjust. Pero ang bagay at panahon, HINDI.



"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."



"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
Eto ang the best....


" Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! "


Thursday, September 4, 2008

Geek Tattoos

Fan ako ng Miami Ink, isang reality tv show na mapapanood sa Travel and Living Channel. Namamangha lang kasi ako sa galing ng mga artist sa pagdrawing ng kung anu-ano sa pamamagitan lang ng karayom. Fave artist ko sa kanila ay si Chris Garver. Magaling din siyang painter. I think ang favorite niyang idrawing eh yung Japanese Koi Fish. Kaya kung magkakachance akong magpatattoo.. Gusto ko siya.. hehe.. kaso hirap kumuha ng visa.. wahaha...(^__^)

Cast: Ami James, Chris Nunez, Chris Garver, Darren Brass at Yoji Harada.

Other ink artist na naging part ng show: Kat Von D (LA Ink) at Tim Hendrix.

Shop manager: Baby Dre (Season 4)

Speaking of tattoos, heto yung iilan sa mga nakita ko sa www.wired.com na tinatawag nilang "Geek Tattoos"...

Ctrl+Alt+Del
Submitted by Shahar

Photographer's comment:
"Comes to show it's that easy to reboot and start over.”


Geek 4 Life
Submitted by Christopher Holmok

Photographer's comment:
"I am a GEEK 4 LIFE, SUCKA!!!"

Kung may Thug for life, meron din GEEK 4 LIFE noh? Astig.. (^__^)

Pi Tattoo
Submitted by Drew

Photographer's comment:
"Since tattoos were illegal in Oklahoma until only a couple of years ago, my friends and I made a tradition out of annual road trips for tattoos. Every time I can't think of something new, I add some more digits to pi. It's up to 80 digits."

Super geek naman to noh? Hihi...

Seattle, Third Avenue, 2004
Submitted by mooargyle

Photographer's comment:
"Taken with Nikkormat FT2 (film)."


Louder!
Submitted by Ben Casey

Photographer's comment:
"I always wanted a musical tattoo, and the audio-out icon on my 266-Mhz G3 seemed more appropriate than a G clef.”

Walang basagan ng trip Part 2... (^__^)

Kapag wala talagang mapagtripan, magtingin-tingin ng profile ng iba...
Heto, meron at meron kang makikitang kakaiba! Yari ka! (^__^)


Candidate Numero Uno!
Comment: Ati o Koya? Pwidi both? LOL! (^__^)

Candidate Number Dos!
Comment: Again, Ati o Koya? Di ako sure.. me-confuse ku ah... Hmm.. Wala cgurung kasarian... Yung una kasi, di-tiyak... Hihihi..

Candidate Numero Tres!
Comment: Olryt!!! Vanilla Ice ng Zamboanga...
Tung, tung, tungutung tungutung-tung! Ice ice baby... (^__^)

Peace po sa inyong lahat.. (^__^) Para lang sumaya araw natin...

Wednesday, September 3, 2008

Walang basagan ng trip... (^__^)

Sa friendster man o sa myspace or kung saan-saan pang profile mo trip magcreate ng account para sa chakang social networking na yan, kanya-kanyang trip lang yan... Heto, iilang sa napagkatuwaan profile pic.. funny, cute or kakata-cute sila.. kayo na ang magjudge....
Sensia na po sa mga nandito.. ehehe... (^__^)


* Macho, macho ka
Di mo ba alam na macho ka?
Oh..oh..oh
Macho, macho ka....
By: Parokya ni Edgar.. eeeww... yaya... (^__^)


* "I have gold habits and silver... Whatever yaya.... (^_^)


* Wow, retro.. Michael Jackson era... (^__^)


* Nung bata-bata pa si Dante Varona (tama ba last name?)


* Ano siya? Joke... Haha... (^__^)

Monday, September 1, 2008

Comic Strips (^__^)

Wala na akong maisip na ipost, kaya heto na lang.




Naka-note naman saang site sila galing eh...(^__^)