Friday, July 18, 2008

Lagi na lang umuulan...

Welcome!

Ewan ko kung meron nga akong iwe-welcome para magbasa ng site na ito. Wala lang akong magawa kaya naisip kong gumawa ng blog. Ganun ka-boring ang buhay ko. Hehe. Anyways, since mahal ang kumuha ng therapist, dito sa blog na lang ibubuhos ang aking galit, tuwa, inis at galit ulet, sa mundo. Bwahaha!!! (^__^)

Well, first entry ko ito dito at wala akong maisip i-post. Heto na lang. Since tag-ulan na, pag-usapan natin ang mga ‘HATE’ ko tuwing umuulan.

(1) Tulo. Oo, tama, TULO. May STD bahay namin kaya laging may TULO. (^__^) Ang area na trip tuluan eh yung sa may may PC ko sa may sala. Dati pa nga, pati yung sa may kama ko tumutulo. Yun nga ang aking wake up call. Basaan mode, lalo na sa may paanan ko. Kung hindi sa may paa, sa mukha lang naman. Grabe. (^__^)

(2) Malagkit. Super hate na feeling ito. Malagkit sa balat kapag nagmoist na ang paligid kapag umuulan. Heto ang nakakainis na part. Ang aking mudracles, gusto nya naka-open ang mga windows sa kwarto ko para daw medyo presko. Naku naman! Eh nahahamugan ang aking mahiwagang kama...Hayz.

(3) Mag-commute. Aside from the fact na matrafik, eh sobrang baha pa kung minsan. Sobrang develop kasi ang country natin. Nag-develop na ang mga basura sa loob ng kanal kaya laging baha. Buti nalang at hindi nakami naka-business attire papasok ng work at medyo hassle-free na ang costume namin.

(4) Tae. Tae nga. As in, jebs. Echas sa kalye. Para kasing na-rerejuvinate yung tae sa mga streets kapag umuulan. Lalo na medyo super mega DELEM yung eskinitang dinadaanan ko, so prone sa pag-apak ng tae. Bad trip ito kapag papasok ka ng school or work tapos may maapakan ka. Naman!

Last and definitely not the least…

(5) Thunder and Lightning. Ito ang pinaka-ayaw ko kapag umuulan. Chances are, kapag may kidlat, may kasunod na malakas na kulog. Magugulatin kasi ako kaya ayaw ko ito. (^__^)

So yun na nga yun. Hanggang sa muli!

"When it rains, it’s FOUR." (^__^)



No comments: