Monday, October 13, 2008

Top 10 Least Favorite Celebrities (Mga Blondes)

Heto may listahan na naman ako. Mga hollywood celebrities na hindi ko masyadong peborit. It's not like you care, pero gusto ko lang maglista. Bakit ba? Hehe. (^__^)

1. Jessica Simpson

Ewan ko ba bat naiinis ako ng todo sa babaeng ito. Wahaha. Affected ba… Aside sa fact na mukhang tanga siya, naartehan kasi ako sa kanya. Simula nung nakita ko sila ni Nick Lachey dun sa MTV show nila, nabwiset ako. Spoiled, rotten brattinella siya. Dati okay lang naman siya for me. Magaling naman siyang singer (keysa sa kapatid niyang isa pang trying hard). Ngayon, feeling country sya, eh pop lang naman carry nya. Hallur? Isa, may napanood ako dati na sabi nya di niya type yung “Buffalo Wings” kasi di raw siya kumakain ng buffalo. Whatever. (^__^)

2. Scarlett Johansson
I’m not sure kung ito ang tunay nyang hair color. Pero di ko rin gusto ito. Cguro dahil naiingit ako sa kanya. Wahaha. Bwiset, nasa kanya na ata lahat. I think may buni ito sa katawan na considered na flaw niya. Wahahaha. Bitter ulit.

3. Kate Bosworth
Well, kahawig sya ni Jessica Simpson. Yun na yun. Hehe. Tska naging syota nya ung crush ko (dati...) si Lando (Orlando Bloom). Mang-aagaw!!! Hmpf!!! LOL!

4. Pamela Anderson
Hubaderang matanda!!! Inflatable sya. Chaka. Walang habas sa paghuhubad. Eh nagmamaskels naman siya. Di naman siya sexy. Malaki lang yung fake boobs niya. Eeewww. Wahaha. Hay naku, super bitter talaga ako. Mabilbil kasi ako eh. Haha. Anywayns, yan na ang pinakamatinong picture niya na nakita ko sa goggle. Lahat halos naka burles... eeehhh!!! Hehe.
5. Paris Hilton
Ang taong walang purpose sa buhay kung hindi mag-party all night long. Bakit di na lang niya idonate yung ibang pera nya sa mga mahihirap noh? Parang tayo. Hahaha! Peste, panglalaki naman ang paa at kamay nya. Mukha rin itong inflatable sex toy. Haha. (^__^) Again, isa pa ito, ayan ang pinakamatinong picture niya. Hehe. Kadiri ya.

6. Heidi Montag
Yung babaeng makabwiset sa isang reality show na scripted ng MTV na “The Hills”. Annoying siya, lalo na kapag kasama niya yung syota nyang maangas at tanga na si Spencer. Infairness, alam ko name nila. Kainis!!! Yan, sinama ko sa picture yung syota niyang kumag. Hindi pa sila mukhang nakakainis diyan. Hehe. Slight lang. (^__^)

7. Christina Aguilera
Hmmm, hindi rin ako sure kung blonde nga ito sa totoong buhay. Ewan ko, talentado naman siya, wala akong masabi sa singing voice nya, pero parang T.H. parin ang dating niya, at least for me ha. She is far more better than Britney Spears sa pagkanta pero parang nakikipag-compete siya. Sexy naman siya, pero trying hard parin ang pag-express niya sa kanyang sex appeal. If you remember the MTV performance of Madonna, Britney and Christina na may lips to lips na eksena. Christina also kissed Madonna on the lips pero mas matunog at controversial yung part ni Britney. Pilit kasi yung kay Xtina. Pilit ang dating. (^__^)

8. Hayden Panettiere
Hmm, hindi ko naman siya hate. Naiingit lang ako sa kanya. Kasi kahit pandak sya cute naman at bf pa niya si Milo Ventigmilia. Hahaha. Hmpf!

9. Gisele Bundchen
Sorry, di lang ako fan cguro nitong Victoria secret model na ito. Parang may attitude problem. Wahaha! Grabe akong magjudge ng tao noh? Haha. Isa pa, napabalitang ginawa niyang utusan ang syota niyang si Tom Brady. QB ng isang sikat na football team sa US yun ha. Hehe. Tawag nga sa kanya, "Errand Boy". Hehe. (^__^)

10. Katherine Heigl
Eto yumabang kasi ito eh. Pagkatapos suportahan ang mga writers nung strike, biglang binack stab niya. Nagpa-pull out ng nomination sa Emmys kasi di raw maganda ang yung story line niya sa Greys. Bakit siya lang ba ang bida? Nobody lang naman siya eh. O di ba, ang laki ng galit ko sa kanya, parang may malaking atraso siya sa akin. Haha! Anyway, para namang kasing award winning actress siya dun sa role niya sa "Knocked Up". Pasalamat nga siya kay Anne Hathaway, buti busy ang lola mo kung hindi, di naman mapupunta sa kanya yung role niyang yun. Hallur? Yun lang. Haha! Bitter na naman ako… (^__^)

Oh well, opinion ko lang naman ito. Wala po silang ginagawang masama sa akin. Hahah!
Least favorite celebs ko sila.. morelikely, I hate them. Haha.
(^__^)

No comments: